In general, kasalukuyan pong walang divorce sa Pilipinas. Gayunpaman, nirecognize na ng ating Supreme Court ang karapatan ng Pilipino na kumuha ng divorce decree mula sa ibang bansa as long as ang divorce decree na nabanggit ay nakuha nang ayon sa batas ng bansa kung saan ito kinuha.
Para naman magkaroon ng bisa dito sa Pilipinas ang divorce decree galing sa ibang bansa, kailangan magsampa ng Petition for Recognition of Foreign Divorce sa korte dito sa Pilipinas.