Ayon sa A.M. No. 04-2-04-SC, maaring humiling sa korte ng dispensa sa pagbayad ng filing fees fees kung:
(1) Ang iyong kabuuang kita sa isang buwan kasama ang kabuuang kita ng iba pang miyembro ng iyong pamilya ay hindi lalagpas ng doble ng halaga ng minimum wage; at
(2) Hindi ka nagmamay-ari ng lupa o real property na may halaga na higit three hundred thousand pesos (P300,000.00) ayon sa kasalukuyang tax declaration nito.
Para makuha ang dispensa, kinakailangan mo gumawa ng affidavit na isinasaad ang mga datos sa itaas. Nakakabit sa iyong affidavit ang kasalukuyang tax declaration ng lupa o real property na iyong pagmamay-ari, kung mayroon man. Bukod dito, kailangan rin ng affidavit mula sa isang tao na walang interes sa resulta ng kaso na isinusumpa ang katotohanan ng laman ng iyong affidavit. Ang dalawang affidavit ay ikakabit sa Motion to Litigate as Indigent Litigant na ihahain sa korte na may hawak ng iyong kaso.
Kung hindi man pasok ang iyong katayuan sa mga nakatakdang halaga para sa kita at ari-arian, maari pa rin magbigay ng dispensa ang korte sa pagbayad ng filing fees ayon sa iba pang ebidensya na ipinapakita na wala kang sapat na kapasidad para magbigay ng sustento sa iyong pamilya kasabay ng pagpapatuloy ng kaso.