Opo, pwede itong mabawi dahil ang nakapangalan sa lupa ay tinuturing ng batas na hindi tunay na may-ari nito.
Ayon sa Article 1448 ng Civil Code:
Article 1448. There is an implied trust when property is sold, and the legal estate is granted to one party but the price is paid by another for the purpose of having the beneficial interest of the property. The former is the trustee, while the latter is the beneficiary. However, if the person to whom the title is conveyed is a child, legitimate or illegitimate, of the one paying the price of the sale, no trust is implied by law, it being disputably presumed that there is a gift in favor of the child.
Dahil ang tunay na may-ari ang nagpundar sa lupa at pinangalan lamang ito sa ibang tao, ang totoong may-ari nito ay nananatiling ang nagpundar para dito at hindi ang pinangalan sa titulo ng lupa. Ito ay saklaw ng nabanggit na implied trust.
Para mabawi ang titulo, kailangan magsampa ng petition sa korte para hilingin na ilipat ang pangalan sa tunay na may-ari dahil nga sa nangyaring implied trust.