Binibigay dapat ng RA 9255 ang karapatan sa illegitimate child na gamitin ang apelyido ng tatay at maaari sana itong gamitin para administrative lamang ang pagpalit ng apelyido. Gayunpaman, applicable lamang ito para sa mga pinanganak mula March 19, 2004 onwards. Kung pinanganak on or after March 19, 2004, nagbibigay ang batas na ito ng karapatan sa isang illegitimate child na gamitin ang apelyido ng kanyang ama kung ang kanilang relationship ay expressly recognized by the father through the record of birth appearing in the civil register, or when an admission in a public document or private handwritten instrument is made by the father. Inuulit namin na mahalagang mayroong kasulatan kung saan inamin ng father ang kanyang relationship sa anak dahil kung wala, hindi maaaring pumasok sa RA 9255 ang sitwasyon.
Alinsunod dito, kailangan magfile sa local civil registrar kung saan nakaregister ang birth certificate ng mga sumusunod na dokumento: (1) Affidavit to Use the Surname of the Father (AUSF); at (2) Private Handwritten Instrument (PHI) or affidavit of acknowledgment executed by the father na nabanggit sa taas, alinman ang applicable.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol dito, maaaring puntahan ang sumusunod na link at piliin ang mga option na angkop sa inyong sitwasyon: https://psa.gov.ph/civilregistration/problems-and-solutions/illegitimate-child.
Kung pinanganak naman bago ang date na nabanggit, pero after August 3, 1988, hindi applicable ang nabanggit na batas. Ayon sa Article 176 ng Family Code, ang illegitimate child ay dapat gamitin ang surname ng kanyang mother. However, illegitimate children may use the surname of their father if their filiation has been expressly recognized by their father through the record of birth appearing in the civil register, or when an admission in a public document or private handwritten instrument is made by the father.
Maaari naman magamit ang apelyido ng tatay kung mayroong Affidavit of Admission of Paternity (AAP) or Private Handwritten Instrument (PHI) na ginawa ang tatay na inaamin ang paternity sa anak. Ito ang gagamitin ninyong ebidensiya sa petition sa korte.
Kung pinanganak naman bago ang August 3, 1988, ito ang mga scenario:
(1) If acknowledged ng parehong parents, ang apelyidong pwedeng gamitin ay sa tatay at ang middle name ay ang apelyido ng nanay sa pagkadalaga. Kailangan ifile ang mga dokumentong nag acknowledge ang mga magulang sa local civil registrar kung saan nakaregister ang birth certificate;
(2) Kung isang parent lang ang nag acknowledge, ang gagamitin ay ang apelyido ng parent na iyon. Kailangan ifile ang mga dokumentong nag acknowledge ang magulang sa local civil registrar kung saan nakaregister ang birth certificate;
Kailangan din tandaan na ayon naman sa mga desisyon ng Supreme Court at Memorandum ng Philippine Statistics Authority, ang isang illegitimate child na gagamitin ang apelyido ng kanyang nanay ay dapat walang middle name dahil traditionally ang middle name ay ang apelyido sa pagkadalaga ng ina ng bata. Dahil susunod na siya sa apelyido ng nanay, wala na siyang middle name dapat sa birth certificate.
Para mapaayos ang birth certificate at mapalitan ang pangalan sa sitwasyong ito, kailangan magsampa ng Petition for Correction of entries under Rule 108 ng Rules of Court dahil ayon sa Article 412 ng Civil Code “No entry in a civil register shall be changed or corrected, without a judicial order.” Ibig pong sabihin nito, ang anumang pagbabago sa mga entries sa civil register ay kailangang magkaroon muna ng judicial order or utos mula sa korte bago ito mabago.
Para sa mga katanungan, maaari rin kayong sumangguni sa PSA sa mga sumusunod:
Telephone: (02) 8461-0500 local 605
E-mail: crs.qvu1@psa.gov.ph, crs.qvu2@psa.gov.ph, crs.qvu3@psa.gov.ph