Ayon sa Magna Carta for Homeowners and Homeowners’ Associations, ang mga miyembro lamang ng homeowners association (“HOA”) ang maaaaring ma-elect sa board of directors. Gayunman, naipaliwanag na ng Supreme Court na ang owner-developer ay maaari ring ituring na miyembro ng HOA. Ayon rin sa PD 957, ang owner o developer ng subdivision project or condominium project ay dapat magsimula ng HOA para protektahan ang mutual na interes ng mga residente at tumulong sa kaunlaran ng komunidad.
Gayunman, mayroon kayong karapatan na palitan ang board of directors at mag-elect ng mga miyembrong gusto ninyo. Ayon sa Section 13 ng nasabing batas ay maaaring gumawa at pumirma ng petition ang majority ng mga miyembro ng HOA para tanggalin ang board of directors, ayon sa mga rasong nakasaad sa bylaws ng HOA.
Ang petition ay kailangang i-verify at i-validate ng
regional office sa inyong lokasyon.
Sa loob ng animnapung (60) araw pagkatapos tanggalin ang board of directors, magkakaroon ng eleksyon para rito, sa tulong ring ng DHSUD. Habang hinihintay ang eleksyon ng bagong board of directors, magtatalaga rin ang DHSUD ng interim board of directors mula sa mga miyembro ng HOA.
Para sa karipikasyon ukol sa prosesong naipaliwanag sa taas, maaari kayong sumangguni sa DHSUD sa numerong (63) 977 3710321 o mag email sa INFO@DHSUD.GOV.PH. Maari ring tumawag sa pinakamalapit na regional office ng DHSUD sa mga numerong makikita sa sumusunod na link: https://www.facebook.com/DHSUDgovph/.