Kung ang nasabing ampon ay dumaan sa legal adoption process, pwede siyang magmana mula sa mga umampon sa kanya sa kadahilanang siya ay tinuturing na ng batas na legitimate na anak ng mga umampon sa kanya.
Kung sakaling hindi naman siya legally adopted, tinuturing ng batas na wala siyang relasyon sa mga umampon sa kanya kaya hindi siya makakakuha ng mana except kung siya ay maituturing na tagapagmana pa rin ng umampon sa kanya halimbawang walang anak ang umampon at patay na ang mga magulang at kapatid nito subalit ang inampon nila ay pamangkin ng umampon, in which case siya ay considered na tagapagmana ayon sa ating Civil Code.