Ayon sa desisyon ng Supreme Court sa kasong Francisco v Portugal (A.C. 6155, March 14, 2006) ang patakaran sa Pilipinas ay ang kliyente ay may absolute na karapatan na iterminate o idischarge ang serbisyo ng kanyang abogado anumang oras maging ito man ay may dahilan o wala.
Sa ganitong sitwasyon naman po, may karapatan pa rin ang abogadong nadischarge ng kliyente sa reasonable na bayad para sa kanyang mga nagawang serbisyo. Responsibilidad naman ng abogadong na-discharge na ipasa or bigyan ng kopya ng records ng kaso ang bagong abogadong mapipili ng kliyente.