Hindi ito pwede.
Ayon sa ating Civil Code, para magkaroon ng bisa ang donations pagdating sa lupa, kailangan na ito ay nasa public instrument at dapat din na ang acceptance ng donee ay nasa public instrument din. Pwede naman pong kasama na sa Deed of Donation mismo ang acceptance ng donee or nasa hiwalay na public instrument.
Para masabing public instrument ang isang kasunduan, kailangan na ito ay in writing at dapat notarized.