Ang Certificate of Land Ownership Award ay pwede pong itransfer sa naiwang mga anak ng yumaong na-awardan nito. Sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Act, may prohibisyon sa pagbenta o paglipat ng lupa na pinamahagi ng Department of Agrarian Reform at may CLOA na titulo sa loob ng sampung taon, maliban na lamang kung ang paglipat ng titulo ay sa pamamaraan ng pagmana.
Upang maumpisahan ang proseso ng paglipat ng titulo mula sa yumao at sa kanyang heirs, kailangan makipag-ugnayan sa Department of Agrarian Reform na pinakamalapit sa inyo. Narito ang directory ng DAR upang matukoy ninyo kung aling opisina ang pinakamalapit sa inyo: https://www.dar.gov.ph/directory/