Ang layunin ng bail ay para siguruhin na susunod ang akusado sa mga order ng korte, at magpapakita sa hearing kung kinakailangan, habang diniding ang kanyang kaso. Pwede rin itong mareduce depende sa sitwasyon.
Kung sakaling ang nakasaad sa warrant of arrest ay “no bail recommended”, ayon sa Section 4, Rule 112 ng Rules of Court, mayroong karapatan ang akusado na humingi ng bail bago ang conviction sa Regional Trial Court para sa mga offense na hindi punishable ng death, reclusion perpetua, o life imprisonment. Mainam rin tandaan na ayon sa ating Constitution, mayroong karapatan humingi ng bail ang akusado bago ang conviction maliban na lamang sa mga kaso na may parusa ng reclusion perpetua at kung malakas ang evidence of guilt. Kahit may nakalagay sa warrant na not recommended ang bail, maaari pa rin mag-file ng Petition for Bail sa korte kung saan nakasampa ang kaso. Magkakaroon ng hearing para malaman kung magkano ang halaga ng bail para sa akusado.
Ang guidelines na sinusundan ng korte sa pag-set ng halaga ng bail ay ang sumusunod:
(a) Financial ability of the accused to give bail;
(b) Nature and circumstances of the offense;
(c) Penalty for the offense charged;
(d) Character and reputation of the accused;
(e) Age and health of the accused;
(f) Weight of the evidence against the accused;
(g) Probability of the accused appearing at the trial;
(h) Forfeiture of other bail;
(i) The fact that accused was a fugitive from justice when arrested; and
(j) Pendency of other cases where the accused is on bail.