Ayon sa Article 297 ng Labor Code, pinapayagang magtanggal ng mga empleyado ang isang kumpanya kung nilalayon na pigilan ang tuluyang pagsasara ng buong kumpanya (retrenchment). Ang retrenchment ay legal at may bisa lamang kung ang mga mga sumusunod na requirements ay nasunod:
- ang pagtanggal ay naglalayong maiwasan ang pagkalugi ng kumpanya at ang pagkaluging iyon ay napatunayan;
- nagbigay ng hindi bababa sa isang buwan na abiso sa apektadong empleyado at sa Department of Labor and Employment (DOLE);
- may binigay na separation pay na katumbas ng isang buong buwang sahod o kalahating buwan na sahod sa bawat isang taon ng serbisyo, kung anuman dito ang mas mataas, o ang mas mataas na benefit sa ilalim ng kontrata, collective bargaining agreement, o ibang company policy.
Ibig sabihin, ang retrenchment ay kailangang ipaalam at patunayan ng employer sa DOLE, at kailangang magbayad ng separation pay.
Kung hindi sumunod sa taas ang employer (halimbawa, ni-retrench nang walang notice sa DOLE, o hindi nagbayad ng separation pay), maaari kayong dumulog sa 24/7 Hotline ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa numerong 1349. Maaari ring ma-contact ang mga lokal na DOLE office sa sumusunod na link: http://ble.dole.gov.ph/index.php/contactusmenu/115-dole-regional-offices.