Ayon sa Section 10 ng RA 9904 o Magna Carta for Homeowners and Homeowners’ Associations may kapangyarihan ang Homeowners Association na:
(i) I-regulate ang gamit, maintenance, repair, replacement, modification at improvement ng common areas;
(ii) I-regulate ang access sa subdivision/village roads para i-preserve ang privacy, kapayapaan, security, safety, at traffic order;
(iii) Mag-grant ng lease, concession, at awtoridad sa paggamit ng common areas;
(iv) Mag-impose ng fees para sa paggamit ng open spaces, facilities, at services ng HOA;
(v) Mag-enforce na height regulations, easements, use of homes, buildings, edifices, o structures na puwedeng itayo sa loob ng subdivision, ayon sa National Building Code, zoning laws, government rules at regulations, at local ordinances; at
(vi) Payagan ang pagpapatayo ng schools, hospitals, markets, grocery stores at iba pang katulad na establishments na makakaapekto sa subdivision/village.
Kung sa palagay ng HOA ay ang location ng cell site towers ay nakakasama sa health ng mga nakatira malapit dito, maaari silang magsampa ng petisyon for abatement of a nuisance sa korte. Ayon sa Article 694 ng Civil Code, ang nuisance ay any act, omission, establishment, business, condition of property, or anything else which, among others, injures or endangers the health or safety of others. Kapag nagdesisyon ang korte na ang cell site towers ay nakakasama sa kalusugan ng mga residente na nakatira malapit dito, maaari nitong i-utos ang pagtanggal ng cell site tower.
Kung sa inyong pakiwari ay may kamalian o pagkukulang ang HOA sa pagbibigay ng permiso sa pinatayong cellular tower, ayon sa Department of Human Settlements and Urban Development Act ay maaaari ninyong i-reklamo ito sa Human Settlements Adjudication Commission (dating HLURB). Maaari silang ma-contact sa numerong +63 947 882 6297 o padalhan ng email sa info@hsac.gov.ph.