Ayon sa RA 8344, sa mga sitwasyong may emergency, tinuturing na unlawful para sa proprietor, president, director, manager or any other officer, and/or medical practitioner or employee of a hospital ang tumangging magbigay ng medical treatment at suporta ayon sa good practice ng medicine para mapigilan ang kamatayan or permanent disability ng pasyente.
Kung ang medical capabilities naman ng hospital ay kulang, ang doctor na tumingin sa pasyente ay pwede siyang itransfer sa ibang facility na may kakayahang magbigay ng appropriate na pag-aalaga matapos sumang-ayon sa transfer ang pasente o mga next of kin at matapos sumang-ayon din ang hospital na tatanggap sa pasyente. Pwede lamang gawin ang transfer matapos mabigyan ng necessary emergency treatment at suporta ang pasyente para siya ay mastabilize at matapos ma-establish na ang transfer na gagawin ay mas mababa ang risks kumpara sa pagpatuloy ng confinement ng pasyente sa nasabing hospital.
Kinakailangang sumunod nang husto sa mga nabanggit na patakaran para hindi maturing na illegal ang pagtanggi o pagtransfer sa pasyente.
Ayon sa batas ang emergency ay defined as a condition or state of a patient wherein based on the objective findings of a prudent medical officer on duty for the day there is immediate danger and where delay in initial support and treatment may cause loss of life or cause permanent disability to the patient. On the other hand, a serious case refers to a condition of a patient characterized by gravity or danger wherein based on the objective findings of a prudent medical officer on duty for the day when left unattended to, may cause loss of life or cause permanent disability to the patient.