Hindi po. Ayon sa Article 85 ng Labor Code, obligasyon ng bawat employer na bigyan ang kanyang employees ng hindi kukulang sa sixty (60) minutes o isang oras na time-off para sa regular meals sa bawat work day. Dagdag dito, ang rest periods or coffee breaks na tumatagal ng 5 to 20 minutes ay considered naman na compensable working time or kasama sa binabayaran sa bawat araw.
Kung hindi sumunod rito ang inyong employer, maaari kayong tumawag sa 24/7 Hotline sa numerong 1349. Maaari ring ma-contact ang mga lokal na DOLE office sa sumusunod na link: http://ble.dole.gov.ph/index.php/contactusmenu/115-dole-regional-offices.