Pagdating sa krimen ng concubinage, ikinalulungkot naming sabihin na hindi pwedeng kasuhan ang asawang lalaki dahil ang mga criminal laws ng Pilipinas ay may principle ng territoriality kung saan tanging mga krimen lamang na nangyari sa teritoryo ng Pilipinas ang pwedeng parusahan dito.
Gayunpaman, maaaring masaklaw ng Psychological Violence sa ilalim ng Anti-Violence Against Women and their Children Act ang ginawa ng asawang lalaki sa ibang bansa kung nandito sa Pilipinas ang babaeng biktima ng pangangaliwa. Ito ay ayon na rin sa Supreme Court ng Pilipinas.
Ayon sa nasabing batas, masasaklaw ng Psychological Violence kung ang partner or asawang babae ay nakaranas ng: (i) pagdurusa o pighating mental o emosyonal; at (ii) ito ay dahil sa mga acts na ginawa ng partner o asawa including but not limited to intimidation, harassment, stalking, damage to property, public ridicule or humiliation, repeated verbal abuse and mental infidelity. It includes causing or allowing the victim to witness the physical, sexual or psychological abuse of a member of the family to which the victim belongs, or to witness pornography in any form or to witness abusive injury to pets or to unlawful or unwanted deprivation of the right to custody and/or visitation of common children. Nagkaroon na rin ng desisyon ang Korte Suprema na sinasabing kasama dito ang pangangaliwa ng partner o asawa ng babae.