Una sa lahat, pwede kayong sumulat sa agency na inapplayan ninyo ng trabaho at mag request ng refund ng placement fee. Dapat ay irefund kayo ng placement fee subject to reasonable administrative charges. Ibig sabihin, hindi ninyo makukuha ng buo yung naibayad ninyo kasi ibabawas na dito yung administrative cost ng pag process ng inyong application.
Para sa mas masusing gabay ukol dito, maaaring sumangguni sa DOLE hotline 1349, o tawagan ang angkop na DOLE Regional Office sa inyong lokasyon sa mga numerong makkita sa sumusunod na link: http://ble.dole.gov.ph/index.php/contactusmenu/115-dole-regional-offices.