Ang mandatory lamang na paid leave ayon sa Labor Code ay ang Service Incentive Leave (SIL) na five (5) days na binibigay lamang kung ang employee ay nakapagtrabaho na ng at least 1 year of service. Para sa ibang paid leaves, nakadepende ito sa employment contract.
Kung wala namang nakasaad na leaves sa employment contract ay hindi pwedeng ipilit sa employer na magbigay nito liban na lamang sa nabanggit na required na five (5) days ayon sa Labor Code.
Para sa mas masusing gabay ukol dito, maaaring sumangguni sa DOLE hotline 1349, o tawagan ang angkop na DOLE Regional Office sa inyong lokasyon sa mga numerong makkita sa sumusunod na link: http://ble.dole.gov.ph/index.php/contactusmenu/115-dole-regional-offices.