Ang application form para sa rehistrasyon sa COMELEC ay matatagpuan sa sumusunod na link: https://comelec.gov.ph/?r=VoterRegistration/ApplicationsForms.
Maaari rin itong i-fill out online sa: https://irehistro.comelec.gov.ph/cef1. Gayunman, kailangan pa rin itong i-print at i-sumite sa Commission on Elections (COMELEC).
Maaari ring kumuha ng pisikal na application form sa lahat ng opisina ng COMELEC.
Dapat kayong magparehistro sa lokal na opisina ng COMELEC kung saan kayo residente ng at least six (6) months bago ang eleksiyon at kung saan kayo boboto. Para hanapin ang COMELEC office na sakop ang inyong lokasyon, maaaring sumangguni sa sumusunod na link: https://comelec.gov.ph/?r=VoterRegistration/WhatisVoterRegistration/RegistrationCenters.
Ayon naman sa Omnibus Election Code tungkol sa qualifications ng isang botante:
“Section 117. Qualifications of a voter. — Every citizen of the Philippines, not otherwise disqualified by law, eighteen years of age or over, who shall have resided in the Philippines for one year and in the city or municipality wherein he proposes to vote for at least six months immediately preceding the election, may be registered as a voter.”
Para sa iba pang klaripikasyon o katanungan, maaaring sumangguni sa mga numero na matatagpuan sa sumusunod na link, ayon sa inyong lokasyon: https://comelec.gov.ph/?r=VoterRegistration/WhatisVoterRegistration/RegistrationCenters.