Hinihimok namin kayong bigyan ng pang-unawa ang ating mga ahensiya ng gobyerno. Maaaring sadyang napakaraming requests or application lamang ang kanilang natatanggap kaya hindi agarang makatugon sa inyo.
Gayunpaman, kung sa palagay ninyo ay hindi makatarungan ang delay sa inyong request or application, maaaring magpadala ng ng email sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa complaints@arta.gov.ph. Para sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan, maaari rin itong i-report sa Department of Interior and Local Government (DILG) Regional Office sa inyong lokasyon na matatagpuan sa sumusunod na link: https://www.dilg.gov.ph/regional-offices/.