Maipapayong dumulog sa mismong water service provider ninyo para malaman kung ano ang sanhi ng problema sa inyong water supply.
Kung hindi naman matugunan nang maayos ng inyong water service provider ang inyong suliranin, iminumungkahing sumangguni at idulog ang problema sa Local Water Utilities Administration (LWUA), bilang ahensya ng pamahalaang nangangasiwa sa mga lokal na water district, sa numerong (02) 8920 5581 o sa pamamagitan ng sumusunod na link: https://lwua.gov.ph/contact-us/.