In general, kung dahil sa kakulangan ng tamang pag-iingat ng iba ay may nadulot na pinsala sa atin, liable sila sa batas.
Una, sa ilalim ng Article 2176 ng Civil Code:
“Whoever by act or omission causes damage to another, there being fault or negligence, is obliged to pay for the damage done.”
Article 2176 ng Civil Code
Sinumang makadulot ng pinsala sa iba nang dahil sa kapabayaan pag-iingat ay kailangang bayaran ang pinsalang nagawa, at puwedeng magsampa ng civil case para maningil ng danyos.
Dagdag pa, nakasaad rin sa Article 2185:
“Unless there is proof to the contrary, it is presumed that a person driving a motor vehicle has been negligent if at the time of the mishap, he was violating any traffic regulation.”
Article 2185 ng Civil Code
Kung mapatunayang lagpas sa speed limit ang pagmamaneho ng nakabangga, may presumption sa batas na siya nga ay negligent sa panahon ng aksidente.
Pangalawa, sa Article 365 naman ng Revised Penal Code ay puwede ring magsampa ng kasong kriminal para sa reckless imprudence resulting to damage to property. Dito, maaari ring pilitin bayaran ang pinsala sa sasakyan kung mapatunayan na may kakulangan sa pag-iingat na naging sanhi ng aksidente.
Insurance claims
Habang available ang mga ito, maaaring ‘di rin kailangang umabot sa kasuhan para ma-cover ang damage sa sasakyan dahil covered ito ng insurance ninyo o nung nakabangga.
Para matulungan sa claims, kung nakaranas ng bangaan ay mahalagang maisulat ninyo ang kumpletong impromasyon tungkol sa aksidente. Kasama dito ang- pangalan, contact details, at address ng sangkot, registered owner ng kotse kung iba ang nagmamaneho, lugar, panahon, at petsa, ng aksidente, modelo at plate number ng sasakyan, Driver’s License ID number ng nagmamaneho, at detalye ng insurance policy nito.
Karaniwang kinakailangan ang mga sumusunod na dokumento para sa insurance claims tulad rito:
- (i) police report/ notarized affidavit ng insidente/ traffic-accident investigation;
- (ii) litrato ng pinsala at plate number ng kotse;
- (iii) estimate ng halagang kinakailangan sa pag-kumpuni ng kotse;
- (iv) photocopy ng driver’s license;
- (v) photocopy ng car registration documents (OR at CR)