Maraming benefits para sa mga solo parents sa ilalim ng Expanded Solo Parents Welfare Act,
Pasok ang lahat ng sumusunod:
- Isang magulang na mag-isang nag-aalaga at sumusuporta sa anak dahil ang asawa ay pumanaw, nakulong at least 3 months, may pisikal o mental incapacity, humiwalay o nang-abandona at least 6 months, o na-pawalang-bisa ang kasal;
- Isang asawa o pamilya ng OFW na nag-aalaga ng anak nito, at ang OFW ay itinuturing na low o semi-skilled worker at abroad nang 12 months;
- ‘Di kasal na nanay o tatay na mag-sang nag-aalaga sa anak;
- Sinumang legal guardian, adoptive o foster parent na mag-isang nag-aalaga ng bata;
- Sinumang kamag-anak within the 4th civil degree ng magulang o legal guardian na nagsisilbing tagaalaga ng bata dahil wala na ang magulang nito; o
- Isang babaeng bunits na mag-isang sumusuporta sa batang nasa sinapupunan
Sa benefits naman tulad ng monthly cash subsidy at discount sa gatas, pagkain, at gamot, kailangan ring maipakita na kulang ang kinikita para mag-isang suportahan ang bata.
Para ma-unlock ang mga benefits, ang solo parent ay kailanang kumuha ng Solo Parent Identification Card, sa Solo Parent Office (SPO) sa inyong lungsod o probinsya, o Solo Parent Division (SPD) sa inyong munisipyo. Dito malalaman ang requirements para sa bawat uri ng solo parent.