In general, lahat ng businesses ay required na mag-register sa barangay at sa local government (city or municipality) para sa kaukulang mga permit dito. Kasama rito ang mga online sellers, sari-sari stores, o mga nais magtinda ng street food, at ang iba pang nais magpatayo ng business, maliit man ito or malaki.
Bukod dito, in general po, ang lahat ng mga negosyanteng sole proprietor or nag-iisang tao lamang ay kailangan irehistro sa DTI ang kanilang business. Para naman sa partnerships at corporations, kailangan silang mag-register sa SEC naman.
Kailangan din kayong magrehistro sa BIR para sa taxes ng inyong business.
Ang procedure ng pagregister sa mga nasa itaas ay iba-iba sa bawat local government. Maipapayong sumangguni sa inyong munisipyo (municipal hall or city hall) para sa karagdagang impormasyon tungkol sa registration ng business ninyo.
Ang hindi pagsunod sa mga nabanggit po, kung kayo ay mapatunayang nag-operate ng business ng walang permit, ay pwedeng mapatawan ng parusang kulong and/or multa.