Lahat ng rank and file employees ay entitled sa 13th-month pay maging sila ay regular man o contractual employees basta sila ay nakapagtrabaho na sa employer ng at least isang buwan sa kasalukuyang calendar year.
Ayon din sa batas, dapat bayaran sa mga employees ang kanilang 13th-month pay nang hindi lalagpas sa December 24 ng taon.
Para sa anumang pagkukulang ng employer tungkol dito, maaari kayong magsampa ng reklamo sa Regional Director ng DOLE regional office na may sakop sa inyong office. Pwede rin pong gawin online ang pagreklamo sa link na ito: https://sena.dole.gov.ph/.
Para sa mas masusing gabay ukol dito, maaaring sumangguni sa DOLE hotline 1349, o tawagan ang angkop na DOLE Regional Office sa inyong lokasyon sa mga numerong makkita sa sumusunod na link: http://ble.dole.gov.ph/index.php/contactusmenu/115-dole-regional-offices.