Ayon sa Joint Circular No. 1, series of 2017 ng Civil Service Commission, Commission on Audit at Department of Budget and Management patungkol sa mga alituntunin ukol sa Contract of Service at Job Order sa gobyerno, ang pagbayad ng serbisyo sa ilalim ng Job Order ay manggaling sa Maintenance and Other Operating Expenses sa approved agency budget. Ibig sabihin, may nakalaan na kaukulang budget para dito.
Kung walang makatwirang dahilan para sa delay ng pagbayad ng sweldo sa JO employee, nakasaad sa nasabing Joint Circular na maaaring maharap sa apropriyadong kasong administratibo ang Head of Agency o responsible officers kung may paglabag sa nasabing Joint Circular.
Pwede kayong sumangguni sa Civil Service Commission para sa anumang reklamo tungkol dito. Ang kanilang trunk lines ay: 8931-8092 / 8931-7939 / 8931-7935. Pwede ring magpadala ng email sa email@contactcenterngbayan.gov.ph.