Hindi ito tama. Maaari itong masaklaw ng krimen ng Grave Coercion. Ang elements ng grave coercion ay:
(i) ang biktima ay pinigilan ng akusadong gawin ang bagay na hindi labag sa batas o pinilit gawin ang anumang bagay;
(ii) ang pamimilit ay sa pamamagitan ng puwersa, dahas, banta, o pananakot; at
(iii) ang akusado ay walang karapatan gawin ito.
Maaari rin pong magsampa ng civil case for abuse of rights under Article 19 in relation to Article 20 and 21, na tumutugon sa prinsipyong “abuse of rights,” o ang pakikipaglaban para sa karapatan sa paraang hindi makatarungan at mapang-abusong sa iba. Kung ito ay ginagawa ng may: (i) masamang intensyon; at (ii) para lamang makanakit ng iba, maaaring magkaroon ng civil case para manghingi ng damages o danyos para sa pang-aabusong nito
Mayroon din pong tamang proseso sa ilalim ng batas ang pagpapaalis sa tenant kung hindi ito makabayad at ito ay ang pagsampa ng kaukulang kaso sa korte.