Ayon sa Rule on Cybercrime Warrants, maaaring magsampa ng kaso para sa cyber libel sa cybercrime court of the province or city where the offense or any of its elements is committed, or where any part of the computer system used is situated, or where any of the damage caused to a natural or juridical person took place.
Sa pangkalahatan, ang damage sa isang kaso ng cyber libel ay ang damage sa reputasyon ng complainant o ng taong pinatunguhan sa mensahe. Dahil dito, maaaring sabihin na maaaring magsampa ng kaso para sa cyber libel sa korte kung saan nakatira siya kahit na taga ibang probinsya ang taong sasampahan ng kaso.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring sumangguni sa PNP Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) sa kanilang Complaint Action Center/Hotline: Smart: +63 961 829 8083 at Globe: +63 9155898506. Ang mga number naman ng regional offices ng PNP-ACG sa inyong lokasyon ay makikita sa sumusunod na link: https://acg.pnp.gov.ph/main/contacts.