Maituturing pong unenforceable ang bentahan ng lupa na verbal lamang. Kapag unenforceable ang isang kontrata ay ibig sabihin hindi maaaring hingin ang tulong ng korte para ipatupad ito.
Ayon kasi sa ating Civil Code, ang mga bentahan ng lupa o anumang karapatan pagdating sa real property (kasama ang lupa) ay kinakailangang napapaloob sa isang public instrument. Kapag public instrument ang ibig sabihin ay dapat in writing at dapat ay notarized. Kung di susunod sa nasabing format ay wala pong bisa ang kontrata ng bentahan ng lupa.