Una sa lahat, kung maiiwasang umutang sa online lending ay umiwas na dahil nga sa reported na mataas na interest rates at sa mga illegal na ginagawa ng ilan sa kanila.
Ayon sa ating Saligang Batas, hindi nakukulong ang sinuman dahil sa hindi pagbayad ng utang except kung ang pag-utang ninyo ay ginawa nang may panloloko or fraud or panlilinlang, halimbawa mapatunayang umutang na walang planong bayaran ang utang, in which case maaaring masaklaw ng estafa ang inyong ginawa na siyang may karampatang parusang kulong and/or multa.
Gayunpaman, pinapaalala namin na kailangan pong bayaran ang anumang pagkakautang. Maaaring partial payment or full payment ang gawin. Kung hindi pa fully paid at lumagpas na sa period ng pagbayad, maaari rin pong sampahan ng civil case for collection and damages ng inutangan ang may pagkakautang sa kanya. Maaari itong small claims kung ang utang ninyo ay hindi lalagpas sa P1,000,000.00.
Ayon naman sa ating Civil Code, hindi pwedeng maningil ng interest (or penalties) unless ito ay nasasaad sa isang kasulatan (expressly stipulated in writing). Kailangan din pong nasasaad sa nasabing kasulatan na mapapatawan ng interest ang natitirang unpaid interest mula sa nakaraang payment period para maging valid ang pagpataw nito. Wala rin naman pong limit ang rate ng interest basta siguruhin lamang na ito ay “reasonable”.
Kung may kasulatan kayo, ang utang ay mapapatawan ng interest (at penalties) kung nakasaad ito sa kasulatan hanggang hindi nababayaran. Kung sakaling may kasulatan nga ng pagbayad ng interest at umabot naman ito sa korte, pwede pong ireduce ng korte ang amount ng interest kung masabi nilang unfair or unconscionable ang nasabing amount ng interest.
Kung magpataw ng interest at walang kasulatan ay illegal ito at maaaring masaklaw ng criminal case na violation ng Truth in Lending Act or RA 3765.
Sa ganang ito, kung hindi kayang bayaran nang buo agad ang utang, pwede pong makipag-usap directly sa nagpautang sa inyo tungkol sa restructuring ng pagbayad sa utang upang maipaliwanag ang inyong sitwasyon at humiling na mapagaan ang pagbabayad nito. Paalala lamang na ang desisyon ng nagpautang na magbigay ng restructuring ay purely voluntary at hindi maaaring ipilit sa kanila. Kung anuman ang mapagkasunduan ninyo ay mabuting ilagay sa isang kasulatan at ipanotaryo.
Pinapaalala rin namin na ang kontrata o agreement sa pagitan ng umutang at inutangan ay may bisa ng batas sa pagitan nila. Kailangan pong sundin ang mga karapatan at obligasyon ng bawat isa na nakasaad dito.
Gayunpaman, kung kayo ay kinukulit at pinagbabantaan at tinatakot na idedemanda nang paulit-ulit, maaari itong ireport sa kinauukulan.
Una, ayon sa Data Privacy Act, meron tayong karapatan na maprotektahan ang ating personal na impormasyon at masiguradong magagamit lamang ito para sa mga layuning sinang-ayunan natin o iba pang legal na layunin. Ang National Privacy Commission (NPC) ay ang ahensyang may mandatong siguraduhin na narerespeto ang mga karapatang ito.
Noong Setyembre 14, 2020, naglabas na ang NPC ng abiso na tahasang ipinagbabawal ang mga online lending firm na mangolekta at gumamit ng impormsyon ng mga contacts ng mga kustomer nito (e.g. pangalan at numero), mula man sa cellphone o sa social media (https://www.privacy.gov.ph/wp-content/uploads/2020/10/NPC-Circular-No.-20-01.pdf). Higit pa, ipinagbawal nito ang anumang paraan ng pag-harass sa kustomer gamit ang nakalap na impromasyon mula sa contacts.
Para matugunan ang harassment na iyong nararanasan, maaari kang sumangguni sa NPC at mag-file ng complaint sa numerong 8234-2228 (gamitin ang Local 114), o ipadala ang iyong salaysay sa complaints@privacy.gov.ph.
Pangalawa, kung may pag-threaten naman na ipapahiya ka o anumang mga pagbabanta ay itinuturing itong krimen ng threats, na pinarurusahan sa ilalim ng Revised Penal Code. Para i-report ito, maaaring sumangguni sa PNP Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) sa kanilang Complaint Action Center/Hotline: Smart: +63 961 829 8083 at Globe: +63 9155898506. Ang mga number naman ng regional offices ng PNP-ACG sa inyong lokasyon ay makikita sa sumusunod na link: https://acg.pnp.gov.ph/main/contacts.
Maaari mo ring isangguni ang problema sa NBI Operation Center at 0961-734-9450, NBI Anti-Fraud or Cybercrime Divisions at 85238231-38, or i-message ang NBI sa kanilang website or social media account.
Pangatlo, ang gawaing ito ay itinuturing ring “unfair debt collection practice” na ipinagbabawal ng batas. Ayon sa Securities and Exchange Commission (SEC) Memorandum Circular No. 18, series of 2019, maaaring patawan ang kompanya ng multa mula P25,000 up to P1 million o i-suspend o i-revoke ang kanilang permisong gumawa ng lending activities. Para rito naman, maaaring mag-report sa SEC sa email na cgfd_md@sec.gov.ph (ang karagdagang detalye para sa complaint ay makikita sa https://www.sec.gov.ph/lending-companies-and-financing-companies-2/complaints/).
Kung napansin ninyo or napag-alaman na biglang nagpalit ng pangalan ang online lending apps, hinihikayat namin na ireport din ito sa SEC para ma-aksyunan nila agad.
Maaaaring sabay gawin ang mga report na ito, dahil iba-ibang aspeto ng sitwasyon ang rineregulate ng mga ahensya ng gobyernong ito.
Good pm atty ngkautang po ako sa OLA nadelay po ako s pagbabayad almost 1 week n.Hindi ko nman po tatakbuhan ang obligasyon ko s knila nahkaton lng tlaga gipit akonkaya nga po napilitan ako mgkautang kahit halos kalahati ang binabawas nila na service fee dw kung tutuusin kulang n kulang p ung utang ko s knila kasi my bawas na wla lng po talaga ako choice.Ngaun halos araw2 po nila ako tiantawagan tinetx pg ng reply po ako my mgtetx n nman sakin n ibang number.Nkikiisap ako s knola n hindi p po tkaga ako mkabayad pro parang ginigipit po nila ako tinatawagan ung contact reference ko at ang sabi p mgbaba dw cla ng demand letter ipabarangau dw po ako o di kaya ipost at ipapahiya po nola ako sa social media. Atty asko k lng po ano po ang gagawin ko?
Reach 1M contact forms with your message for $55 for 24 hours only.
Drop me a quick email at submissions@bfymarketinginternational.pro