Translate: Bicolano • Bisaya • Chavacano • Hiligaynon • Ilocano • Kapampangan • Pangasinense • Tagalog • Waray

ATTY. JOSE MANUEL “CHEL” DIOKNO
- Founding Dean, De La Salle College of Law
- Chairman, Free Legal Assistance Group (FLAG)
Sino si Atty. Chel Diokno?
Si Atty. Chel ay isang abogado, guro, at ama. Nagtapos siya ng Juris Doctor of Laws, Magna Cum Laude sa Northern Illinois University sa Amerika. Siya ay kasalukuyang Chairman ng Free Legal Assistance Group (FLAG), at naging Founding Dean ng De La Salle College of Law.
Si Atty. Chel ay anak ni Sen. Jose W. Diokno at apo ni Supreme Court Justice Ramon Diokno. Tubong Taal, Batangas ang pamilya Diokno. May anim na anak si Atty. Chel.
Ano na ang mga nagawa ni Atty. Chel?
Si Atty. Chel ay 30 taon nang nagbibigay ng libreng serbisyong legal sa mga nangangailangan. Bilang tugon sa pandemya, tumulong siya sa higit 19,000 katao sa pamamagitan ng kanyang Free Legal Helpdesk sa Facebook.
Maraming naipanalo sa korte si Atty. Chel, tulad ng kaso ng lumubog na barkong MV Doña Paz, kung saan mahigit 4,300 katao ang namatay. Nakakuha na ng danyos ang mga pamilyang naulila. Nanalo rin si Atty. Chel sa mga kaso tungkol sa karapatang pantao, at sa kalayaan sa pananalita at pamamahayag.
“Libreng serbisyong legal sa bawat baryo. Ang dehado, gawing liyamado!”
— ATTY. CHEL DIOKNO