Kilalanin si Rep. Chel Diokno

Sino si Chel Diokno?
- Human Rights Lawyer
- Akbayan Partylist Representative
- Former Chairman, Free Legal Assistance Group (FLAG)
- Founding Dean, De La Salle College of Law
Si Chel Diokno ay isang abogado, guro, at ama, at kasalukuyang kinatawan ng Akbayan Partylist sa Kongreso. Nagtapos siya ng Juris Doctor of Laws, magna cum laude, mula sa Northern Illinois University sa Amerika. Siya rin ay dating Chairman ng Free Legal Assistance Group (FLAG) at naging founding dean ng De La Salle College of Law.
Anak siya ni Senador Jose W. Diokno at apo ni Supreme Court Justice Ramon Diokno. Ang kanilang pamilya ay tubong Taal, Batangas. Si Chel ay may anim na anak.
Ano na ang mga nagawa ni Chel?
Si Chel ay mahigit 30 taon nang nagbibigay ng libreng serbisyong legal sa mga nangangailangan. Bilang tugon sa pandemya, tinulungan niya ang higit 19,000 katao sa pamamagitan ng kanyang Free Legal Helpdesk.
Ilan sa mga kasong naipanalo niya ang kaugnay ng paglubog ng MV Doña Paz, kung saan mahigit 4,300 katao ang nasawi. Dahil dito, nakakuha ng danyos ang mga naiwang pamilya. Nanalo rin si Chel sa mga kasong may kinalaman sa karapatang pantao, pati na sa kalayaan sa pananalita at pamamahayag.