Terms and Conditions

Ang layunin ng cheldiokno.com, cheldiokno.zapier.com, kasama ang Free Legal Helpdesk, Kuya Che chatbot, at lahat ng nilalaman at serbisyong kaugnay nito (sama-samang tinutukoy bilang “Service”) ay tumulong sa publiko sa pamamagitan ng pagbabahagi ng pangkalahatang impormasyon. Hindi ito nilalayong magbigay ng espesipikong legal advice sa ilalim ng ugnayang attorney-client, at walang ganoong ugnayan ang nabubuo sa pag-access o paggamit ng Service.

Ang lahat ng impormasyong ibinabahagi ay maaaring magbago batay sa mga panibagong batas, regulasyon, o interpretasyon, at walang garantiya na ito ay laging tama, kumpleto, o napapanahon. Responsibilidad ng bawat gagamit na suriin at pagpasiyahan kung paano gagamitin ang impormasyong nakuha mula rito, at kung kinakailangan, kumonsulta sa isang kwalipikadong propesyonal.

Sa paggamit ng alinmang bahagi ng Service, tinatanggap at sumasang-ayon ka sa mga tuntunin at kundisyong ito.