Ang ganyang gawain ay malinaw na krimen ng Grave Threats sa ilalim ng Article 282 ng Revised Penal Code.
Sa ganitong kaso kailangang patunayan na:
- Ang akusado ay nagbantang sasaktan o gagawa ng pinsala sa ibang tao, o sa property o dangal nito, o sa pamilya nito;
- Ang bantang gagawin ay krimen; at
- Ang bantang gagawin ay walang kundisyon.
Sa sitwasyong nabanggit, klaro na meron ang lahat ng elements ng Grave Threats-
Una- — binantaan kayong papatayin;
Pangalawa — ang bantang gagawin ang pagpatay ay krimen;
Pangatlo — walang nabanggit na kundisyon sa ginawang pagbabanta.
Dahil diyan, ang sinumang nararanas nito ay may karapatang magsampa ng kasong kriminal.
Ang ganitong akto ay itinuturing na krimen kahit salita lang ang ginamit sa pagbabanta, at kahit walang man dalang patalim.
Ang parusa sa Grave Threats, depende kung gaano kalala yung krimen na binantang gagawin (one degree lower).