Kung ang akusado ay isang public officer, employee, or notary public, maaari itong pumasok sa Paragraph 1, Article 171 ng Revised Penal Code na sumasaklaw sa Falsification by public officer through counterfeiting or imitating any handwriting, signature, or rubric.
Para sa offense na ito, kinakailangang: (1) mayroong intent or attempt na gayahin ang pirma o sulat-kamay; at (2) ang peke at tunay na pirma o sulat-kamay ay mayroong pagkakahawig sa isa’t isa.
Maaari rin ito pumasok sa paragraph 2 ng parehong krimen na sumasaklaw sa “causing it to appear that persons have participated in an act or a proceeding when they did not in fact participate”. Requirement naman dito ang: (1) the offender caused it to appear in a document that a person or persons participated in an act or a proceeding; and (2) that such person or persons did not in fact so participate in the act or proceeding.
Kung ang akusado naman ay private individual, maaaring mag-apply din ang mga nabanggit kung ang falsification ay ginawa: (1) sa public, official, or commercial document; or (2) ginawa ang falsification sa private document pero may perwisyo sa isang tao at sinadya ang pagperwisyo sa taong ito.