Labag sa batas ang pagpapatupad ng “maximum” Senior Citizen discount sa restaurant.
Sa Expanded Senior Citizens Act (o R.A. 9994)-
May 20% Discount at VAT Exemption ang senior citizens na kakain sa restaurant o fast food- para sa lahat ng pagkain, drinks, dessert, at iba pang consumable items.
Ang limitasyon – applicable lang ito sa order ng mismong senior citizen na kakain.
Kung may kasama siyang iba, dapat iproseso separately ang order nila- para sa senior lang ma-apply ang discount.
Sa rules and regulations ng batas- malinaw na violation ang sumusunod:
- Pag-set ng maximum amount of food purchase na bibigyan ng 20% discount at VAT exemption, o pag-post ng ganitong notice;
- Refusal na i-grant ang discount at VAT exemption sa take-out/take-home/drive-thru orders; at
- Refusal na i-grant ang discount at VAT exemption sa delivery orders.
Kung may ganitong mga policy ang restaurant o fast food na kakainan ng seniors- ireklamo sa Office of Senior Citizens’ Affairs (OSCA) sa inyong local government unit LGU.
Ang parusa para sa ‘di pagkilala ng benefits sa batas- [READ ALL]
Sa 1st Violation- multa mula Php50,000.00 hanggang Php100,000.00 at pagkakakulong mula 2 hanggang 6 years
Sa mga susunod na violations- multa na ‘di bababa sa Php100,000.00 hanggang Php200,000.00 at pagkakakulong mula 2 hanggang 6 years
Kung ang offender ay corporation, partnership, o organization, ang officials nitong directly involved sa violation- tulad ng president, general manager, managing partner, o iba pang may responsibilidad sa management ng business ang magiging liable.
Bukod d’yan- pwede ring ipa-cancel o revoke ang business permit, permit to operate, o katulad na privileges ng nag-violate.
Hindi optional ang batas na ito- at may pananagutan ang hindi sumunod.