Puwede naman ‘yan pero may requirements para patunayan ang detalye ng pagkaka-panganak.
Ayon sa maraming government ageny, madalas na modus operandi ng foreigners ang pagkuha ng pekeng PSA birth certificate para pagmukhaing Pilipino sila.
2021 pa lang, sinabi na nitong ang pagpapanggap na Pilipino gamit ang fraudulently acquired birth certificate ay dapat ituring na “immigration problem” at “national security issue.”
Dahil d’yan, dapat may supporting documents sa late registration.
Bukod sa salaysay- dapat magpresenta ng ‘dii kukulang sa dalawang dokumento, kasama ang baptismal certificate, school records (nursery, kindergarten, or preparatory, income tax return ng magulang, insurance policy, medical records, at katulad na patunay, gaya ng certification ng barangay captain.
Bukod d’yan- kailangan ng sinumpaang salaysay ng dalawang taong may kaalaman sa pagkakapanganak. At dapat- wala silang relasyon sa rine-register.
Ang late registration of birth ay dapat gawin sa Local Civil Registrar sa lugar kung saan pinanganak.
Kahit late ang birth cert registration, may trace naman ng paglaki mo.