Ang 30-day notice ay para sa kapakanan ng employer, ayon sa batas. Sabi ng Supreme Court sa Hechanova vs. Matorre (G.R. No. 198261, 16 October 2013), ang 30 days na ito ay para makahanap ng kapalit ang employer sa panahong iyon. Kung hindi masusundan ang 30 days, maaring sumingil ng danyos ang employer, ayon naman sa Eviota vs. Court of Appeals (G.R. No. 152121, 29 July 2003). Gayunpaman, pwede namang magkasundo ang employee at employer sa mas maikling period bago pwedeng tuluyang hindi na pumasok ang employee. Maipapayo lamang na siguruhing ilagay in writing ang pagpayag ng employer nang sa ganoon ay maprotektahan ng employee ang karapatan nito.
Bukod dito, may exceptions sa 30-day notice ayon na rin sa batas. Ayon sa Labor Code, maari kang magresign kaagad sa mga sumusunod na rason:
- Serious insult by the employer or his representative on the honor and person of the employee;
- Inhuman and unbearable treatment accorded the employee by the employer or his representative;
- Commission of a crime or offense by the employer or his representative against the person of the employee or any of the immediate members of his family; and
- Other causes analogous to any of the foregoing.
Para sa mas masusing gabay ukol dito, maaaring sumangguni sa DOLE hotline 1349, o tawagan ang angkop na DOLE Regional Office sa inyong lokasyon sa mga numerong makkita sa sumusunod na link: http://ble.dole.gov.ph/index.php/contactusmenu/115-dole-regional-offices.