Ayon sa Code of Ethics of Professional Teachers, a teacher is a facilitator of learning and of the development of the youth; s/he shall, therefore, render the best services by providing an environment conducive to such learning and growth. Sa madaling sabi, dapat ay ginagawa ng isang guro ang lahat para magkaroon ng isang environment kung saan ang mga estudyante ay matututo ng mga aralin. Maaaring masabing labag sa nasabing obligasyon ng guro ang paninigaw sa estudyante habang nagkaklase.
Mainam ireklamo muna ang pangyayari sa angkop na opisina o tanggapan sa loob ng school kung saan nagtuturo ang guro. Kung kinakailangan, maaaring makipag-ugnayan sa Board of Professional Teachers sa Professional Regulatory Commission sa mga contact information sa susunod na link: https://www.prc.gov.ph/prc-central-office-contact-information
Kung sa public school nangyari ang insidente, para sa elementary schools ay maaaring icontact ang Department of Education (DepEd) sa Office of the Regional Director na may sakop sa school involved sa link na ito: https://www.deped.gov.ph/contact-us/regional-division-offices-directory/ para sa elementary schools. Pwede ring sumangguni sa DepEd Public Assistance and Action Center (PAAC) sa numerong 0919-456-0027 o 0995-921-8461 o magpadala ng email sa: depedactioncenter@deped.gov.ph.
Para sa high school, college, or universities, maaari namang icontact ang Commission on Higher Education (CHEd) Public Assistance Hotline sa (02) 8441-12-60 or 0999-4445-996 o magpadala ng email sa info@ched.gov.ph, o di kaya naman sa CHED Regional Office na may saklaw sa high school or college sa sumusunod na link: https://ched.gov.ph/regional-offices/.