Sa ilalim ng Rent Control Act (R.A. 9653) at National Human Settlements Board Resolution No. 2023-03, bawal itaas ang upa nang more than 4% sa lahat ng residential unit na may existing na upa at may buwanang rentang P10,000 pababa, mula January 1 to December 31.
Ang parusa sa landlord na magpupumilit itaas ang renta sa mga covered lampas 4%: Multa hanggang P50,000.00 o Pagkakakulong hanggang 6 months, o pareho.
Makakatulong itong Rent Control Act sa maraming Pilipino. Ayon sa census 2.86 million households ang ummupa ng kanilang tirahan, at 95% ay may buwanang rentang P10,000 pababa.