Puro kalokohan ng POGO ang naririnig natin sa balita ngayon. Pero ano nga ba ito?
Ang POGO ay short for “Philippine Offshore Gaming Operations.”
Ito ay operators ng online gambling na naka-base sa Pilipinas. Pero ang mga pwede lang na customer- foreigners sa ibang bansa.
Maraming POGO ay pinapatakbo ng mga Chinese, at Chinese rin ang kliyente.
Nagsimula ito sa panahon ni dating pangulong Duterte- na sumuporta sa POGO at sinabing kailangan ng bansa ang income mula sa kanila.
Fast forward ngayon- at naging malinaw na na ang POGO ay pugad ng mga sindikatong involved sa scam, drugs, human trafficking, kidnap-for-ransom, at torture.
Tinawag rin itong national security concern ng Department of Defense Secretary.
At ang contribution ng POGO sa ekonomiya- halos wala ayon sa National Economic and Development Authority at Department of Finance, kaya pati sila ay pabor na i-ban na ito.
Sa raid kamakailan- lumalabas na mukhang involved pati ang mga opisyal ng gobyerno sa illegal activities ng POGO! – kaya siguro bulag sila dito.
Krimen at kurapsyon lang ang dala ng POGO, kaya pabor akong i-ban na ito.