Good news! May dagdag na teaching allowance na para sa public school teachers na nagtuturo ng basic ed.
Sa Kabalikat sa Pagtuturo Act (flash only: RA 11997), kinikilala na madalas, sariling pera ang ginagamit ng mga guro pambili ng chalk, papel, at iba pang gamit sa klase.
“All public school teachers shall be granted a Teaching Allowance for the purchase of tangible or intangible teaching supplies and materials, the payment of incidental expenses, and the implementation or conduct of various learning delivery modalities”
Kaya bilang suporta sa kanila, mandato ng batas ang teaching allowance na ten thousand pesos (₱10,000) simula school year 2025-2026!
Pero teka—sapat na ba ‘to?
Naghain na si Akbayan Sen. Risa Hontiveros ng panukala na itaas ang allowance hanggang fifteen thousand pesos (₱15,000)
At may mas malaking isyu—
Habang bilyon-bilyon ang nilulustay sa korapsyon, ang mga kabataan—naiiwan sa kanilang pag-aaral.
Kaya tinutulak natin: imbes na pondohan ang mga maanomalyang proyekto, idagdag na lang sa budget sa edukasyon.
Ang pera ng bayan ay dapat mapunta sa kinabukasan ng lahat, at hindi sa bulsa ng iilan.