Mga Cheldren, hirap ka na ba sa gulo sa bansa?
Sa tindi ng stress ngayon, saan ka lalapit kung feeling mo hindi mo na kaya?
Ngayon, may direkta nang tulong na libre pa!
Alam niyo ba? Isa (1) sa bawat pitong (7) kabataan ang nakakaranas ng mental health issues ngayon?
Kaya inilunsad ng DepEd at National Center for Mental Health (NCMH) ang Learners TeleSafe Helpline.
Para ito sa mga estudyanteng kailangan ng kausap. Hindi mo na kailangang mag-isa; may mga eksperto na handang makinig 24/7.
Paano ito ma-a-avail? Napakadali lang.
I-save ang mga numerong ito sa inyong phone:
#33733 (#DEPED)
0945-175-9777
weprotectlearners@deped.gov.ph
Tandaan, hindi kahinaan ang paghingi ng tulong.