Puwedeng humingi ng tulong ang OFWs na nakararanas ng pagmamaltrato sa Department of Migrant Workers o DMW.
Sa DMW Act o R.A. 11641 , ang mga OFW in distress- o yung mga:
may kinakaharap na medical, psychosocial, o legal problem
biktima ng abuse o exploitation
nilalabag ang human rights
o nasa bansang may digmaan, civil unrest, pandemic o iba pang tulad na sitwasyon
at nangangailangan ng medical treatment, hospitalization, counseling, legal representation, rescue, repatriation, o iba pang assistance ay pwedeng humingi ng tulong sa Migrant Workers Office ng DMW, sa bansa kung saan naroon.
Pwedeng i-check ang website ng Philippine Embassy o Consulate sa bansa kung nasaan para makita ang detalye ng Migrant Workers Office doon. Pwede ring magpatulong sa kanila mismo. Ang detalye ay makikita dito: https://dfa.gov.ph/about/dfa-directory/our-foreign-service-posts-dfa
At ito naman ang contact details ng DMW:
Department of Migrant Workers
Hotlines: 8-722-1144/ 8-722-1155/ 1348
Email: repat@ dmw.gov.ph / connect@dmw.gov.ph/ cacdac@dmw.gov.ph
FB: https://www.facebook.com/dmw.gov.ph
X: https://twitter.com/DMWPHL
Sa ating mga OFWs, ingatan lagi ang mga sarili, at alamin kung san pwedeng humungi ng tulong kung kinakailangan.