Ang sinumang mag-canvass, promise, advertise, enlist, contract, o hire para sa trabaho abroad- kailangan lisensyado ng gobyerno!
Kung walang lisensya, illegal recruitment ‘yan at baka malagay ka lang sa panganib.
Kung may nagre-recruit sa’yo: i-background check mo rin na legit! Paano?
Pumunta lang sa website ng Department of Migrant Workers o “DMW” sa: https://www.dmw.gov.ph.
I-click ang “Licensed Recruitment Agencies” o dumiretso sa:
https://www.dmw.gov.ph/licensed-recruitment-agencies.
I-type ang pangalan ng ahensya. Makikita dito ang kumpletong impormasyon, kasama ang address, contact number, email address, at pangalan ng representative.
At pinaka-importante, malalaman kung sinong mga ahensya ang may “Valid License,” at kung sino ang “Suspended,” at Cancelled.” Dun lang tayo sa legit at may valid license!
Kung hindi lumabas ang ahensya, magduda ka na. Kung hindi legit, baka scam ito at magka-aberya lang- mahirap na.
Bukod dito, pwede ring i-check kung may Approved Job Order ang ahensya para sa posisyong ino-offer sa ‘yo.
Para dito naman, I-click ang “Approved Job Orders” o pumunta sa:
https://www.dmw.gov.ph/approved-job-orders .
Makikita dito ang mga posisyong aprubado (i-contact lang ang ahensya para kumpirmahing open pa ito).
Paalala rin ng DMW! Kung makikipagkita, sa recruiter- kahit legit ang ahensya ay sa opisina lang nila dapat makipagkita. Hindi natin alam kung ang taoing nagre-recruit ay talagang parte ng ahensya o nagpapanggap lang.