Ari-Arian

Biniling gadget, hindi gumagana o may sira? Eto ang maaaring gawin!

Ayon sa Article 1547 ng Civil Code, mayroong “implied warranty” sa lahat ng ibinebentang produkto na wala itong naitatagong sira o depekto. Ayon naman sa Article 68 (f) (2) ng Consumer Act, kung ang produktong ibinenta ay may ganitong uri ng depekto, ang bumili ay maaaring tumangging tanggapin ang produkto, kanselhin ang pagbili, at hingin […]

Pwede bang manahin ang CLOA?

Ang Certificate of Land Ownership Award ay pwede pong itransfer sa naiwang mga anak ng yumaong na-awardan nito. Sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Act, may prohibisyon sa pagbenta o paglipat ng lupa na pinamahagi ng Department of Agrarian Reform at may CLOA na titulo sa loob ng sampung taon, maliban na lamang kung ang […]

Ano ang pwedeng gawin kung ang taong may hawak ng titulo ng lupa at nakapangalan sa kanya ito ay ginugulo ng isang taong sinasabing siya daw ang tunay na may-ari ng lupa?

Maipapayong dalhin muna ang issue na ito sa Lupong Tagapamayapa ng barangay na may sakop sa lupa ninyo. Kung magkasundo tungkol sa kung sino talaga ang may-ari ng lupa, maipapayong ilagay ito sa kasulatan at ipanotaryo. Kung hindi magkasundo, magpaissue kayo ng Certificate to File Action. Pwede kayong magsampa ng Petition for Quieting of Title […]

Pwede bang makuha ng donee ang property na dinonate verbally?

Hindi ito pwede. Ayon sa ating Civil Code, para magkaroon ng bisa ang donations pagdating sa lupa, kailangan na ito ay nasa public instrument at dapat din na ang acceptance ng donee ay nasa public instrument din. Pwede naman pong kasama na sa Deed of Donation mismo ang acceptance ng donee or nasa hiwalay na […]

Paano ba malalaman kung sino ang may-ari ng lupa?

Ang pinakamabisang ebidensiya ng pagmamay-ari ng lupa ay ang Certificate of Title nito. Ayon kasi sa ating batas, oras na mag-issue ng titutlo ng lupa ay ito ay nagiging indefeasible. Ibig sabihin, hindi pwedeng kwestiyunin ang titulo liban na lamang sa ilang exceptions. Pwede pong icheck sa Registry of Deeds kung sino ang registered owner […]