Ayon po sa ating batas sa sales, ang tawag sa ganitong sitwasyon ay “double sale.”
At sa Article 1544 of the Civil Code, mayroon pong rules para i-determina kung kaninong karapatan ang dapat manaig.
Base ito sa prinsipyo ng “primus tempore, potior jure” (o first in time, stronger in right).
Ang maunang kumilos nang tapat- mas malakas ang karapatan at poprotektahan.
Kaya kung dalawa ang pinagbentahan ng property, ang buyer na ituturing na may-ari ay base sa sumusunod ng order of priority:
Una- ang maunang buyer na makapagpa-rehistro ng deed of sale sa Register of Deeds, in good faith;
Pangalawa- kung parehong hindi registered ang deed of sale, ang maunang magtake-possession in good faith; at
Pangatlo- kung walang nag-rehistro, at wala ring in possession, ang buyer na makakapag-presenta ng oldest title (o mas naunang claim sa pinagmulan ng karapatan bilang owner).
Ang ibig sabihin naman ng good faith – malinis na intensyon at walang kaalaman tungkol sa anumang depekto o isyu sa titulo ng binili.
Kung base dito ay mas may karapatan sa property ang isang buyer, at siya dapat ang ituring na owner- hindi rin naman kawawa ang pangalawang bumili.
Pwede siyang magsampa ng kaso para sa breach of contract laban sa seller, para ipa-kansela ang kontrata niya, ibalik ang naibayad, at maningil ng danyos.