Good news sa LGBTQIA+ community!
May bagong desisyon ang Korte Suprema, at may proteksyong ibinigay ito sa inyo.
Swish pan
Kung kayo ay same-sex couple, at pareho kayong nag-ambag sa bahay, lupa, o ibang ari-arian, protektado, na ng batas ang pinaghirapan mo.
Oo, kahit hindi kayo kasal.
Bakit ba mahalaga ‘to?
Dahil sa totoong buhay, sa maraming LGBTQIA+ couples, iisa lang ang pangalang nakalagay sa titulo.
Madalas para mas madali ang proseso. Madalas dahil sa tiwala.
Pero teka.
Paano kung maghiwalay kayo?
Paano kung biglang sabihin sa’yo: “Wala kang karapatan sa bahay na ‘to”?
Sabi ng Korte Suprema: hindi pwedeng ganon.
Kung may patunay na nag-ambag ka—sa pagbili ng lupa, pagpapatayo ng bahay o pagpapa-ayos ng ari-arian,
May karapatan kang humingi ng hati at ipaglaban ang parte mo.
Pero sandali, may requirement!
Kailangan pa ring patunayan ang ambag mo. Resibo, kasulatan, o kahit malinaw na kasunduan—mahalaga ‘yan.
Hindi dapat “invisible” sa batas ang same-sex relationships. May karapatan rin kayo.