Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (flash only: BSP) — ang mutilated notes o perang nasira halimbawa dahil sa sunog, anay, o ngatngat ay pwede pang ipapalit BASTA pasok pa ito sa tatlong S:
Size: Dapat may natira pang 3/5 o 60% ng pera
Signature: Dapat natira pa ang anumang parte ng pirma ng Presidente o BSP Governor.
Security Thread: Dapat kita pa rin ang security thread sa perang nasira.
Kung pasok dito, pwede pa itong ipapalit!
Lumapit lang sa anumang bangko para ma-check at mapa-palitan nila ito sa BSP.
Bukod sa nasirang pera- pwede ring papalitan ang cash na may dumi, mantsa, sulat, lukót, o kupas na ang imprenta.