Sa mga student publication d’yan- please know that you have the right to Freedom of Expression.
Malinaw ang deklarasyon ng Supreme Court: “Students do not shed their constitutional rights to freedom of speech or expression at the schoolhouse gate.”
Sa Campus Journalism Act (o R.A. 7079), sinisiguro rin ang State Policy “to uphold and protect the freedom of the press even at the campus level”, and to promote “responsible and free journalism.”
Kaya sa batas na ito- ang editorial boards ng student publications in tertiary levels ay malayang i-determina ang sariling editorial policies, at optional lang na magkaron ng adviser kung gugustuhin.
Protektado ng freedom of speech ang campus journalists, at malaya kayong mag- “discuss publicly and truthfully, any matter of public interest without censorship or punishment.”
Pero ang karapatang ito- may kaakibat ring responsibilidad. Kung nakakagulo na sa pagtuturo, o nakakadulot ng damage o violation sa rights ng iba- doon lang pwedeng i-disiplina.
Sa student publications nagmumula ang future journalists ng ating bansa.
Kaya naman dapat suportahan ang pagsibol ng inyong pagka-malikhain, responsable, at kritikal.
Sa kalayaan ng pamamahayag- napapaalam natin sa mga may kapangyarihan ang ating pangangailangan, hangad, at reklamo. Sandata ito para panatiliin silang mabuti at may pananagutan.
Kung may lumalabag sa karapatang ito- ipaglaban natin.