Homicide ang tawag sa intensyonal na pagpatay sa isang tao nang walang katwiran.
Ang intensyong pumatay- ipinapalagay ng batas, at ipinaliwanag na ng Supreme Court:
“If a victim dies due to the accused’s deliberate act, intent to kill is conclusively presumed and there is no need for evidence. The crime committed is homicide.” — Jaca v. People, G.R. No. 219145 (Notice), January 20, 2020.
Ang parusa sa homicide: Pagkakakulong mula 12 years and 1 day to 20 years.
Ang murder naman ay mas masahol sa homicide. Ang murder, intensyonal na pagpatay na may sumusunod na sirkumstansya:
Malinaw na pagpaplano at paghahanda;
Dahil sa bayad, pabuya, o pangako;
Pagpatay na may pagtataksil, pagsasamantala sa higit na lakas, sa tulong nang armadong tauhan, o may paninigurong ‘di madedepnsahan ng biktima ang sarili, o paggamit ng paraan para siguradong makatakas; o
May sadyang kalupitan at pagdagdag sa pagdurusa ng biktima,
Ang parusa sa murder- life imprisonment nang walang eligibility sa parole.
Walang makakapagbalik ng buhay ng tao. Ang mga biktima at kanilang pamilya- dapat makamit ang hustisya